The oddibles-round 2

Unang hagupit!


Image hosted by Photobucket.com
A PUBLIC ANNOUNCEMENT. Mag-Side B na lang tayo.

Iba talaga ang paggawa natin ng mga paalala. Kung ikaw ay may isang negosyo na balak mong palakihin dapat may basics ka sa paglingkod sa iyong mahal na customer. Tulad ko, hindi ko kayo pinababayaan. Kayo’y nalilibang sa aking establishment.

Sa aming pagpunta sa videoke sa tapat ng mahal kong De La Salle, lalo akong naging ganado sa pag-awit ng Basil Valdez ng masilayan ko ang mga ito:


Image hosted by Photobucket.com
TAMA NGA NAMAN. Makunsensya naman kayong mga miron.

Kahit nga sa pagbuklat ng songbook, may mga mahalagang paalala ang management. Madaming bawal. Bawal ang…


Image hosted by Photobucket.com
NO THONGS ALLOWED. At may drawing pa!

Hindi naman siguro sila maglalagay ng mga ganung paanyaya kung walang sumuway sa kanilang patakaran. Marami lang kasing ubod ng tanga o bastos.

Ayos din eh.

Kumain kami sa Jollibee ng nanay ko, ilang linggong lumipas. Napansin ko lang na parang sumusuray ang paglakad ng pulang bubuyog na iyon. Biro mo namang…


Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
SUMAYAW SA TABLE! To the tune of Chocolate.

Maganda sanang lagyan ng bente pesos ang kanyang magandang tuxedo.

Ang saya ng buhay. Iba ka talaga, Pinoy.