Baguhin na rin natin ang pangalan ng Pilipinas

Dahil gusto ng mga lider natin na baguhin ang ating kasaysayan, marapat na palitan na ang disenyo ng bandila natin.

Tama nga naman. Sa dami ng nagawa ng ating mga lider natin tulad ng pagpapalit ng pangalan ng kalye, pag-deklara ng public holidays, pag-isip ng mga magagandang slogan para ma-isingit ang kanilang mga initials at pagtadtad ng mga walang kwentang tarpauline sa lansangan, bakit nga naman hindi puedeng pakialaman ang bandila natin?

Dahil puro pagbabago ang gusto nilang gawin marahil puede na rin natin baguhin ang pangalan ng bansa natin. Gawin na natin itong: PhilippinesM o PilipinasM.

Yaman din lang na puro malls ang makikita na natin dito, tama nga naman na lagyan ng extra letter ang Philippines– ang letter M. Tanda ng kontribusyon ng mga malls na simbolo ng ating pagsasama. Ito ngayon ang nakapag-iisa sa atin kahit sa weekend man lang.

Nakikita ko na:

Ang ganda ano?

* * *
Hindi ko akalain na pati ang bandila natin ay pakikialaman pa ng mga lider natin. Matatanggap ko pa kung ito talaga ang ibigsabihin ng bandila natin, pero ang sabi ng kasaysayan ay HINDE.

Isa pang punto na mariing dapat pag-isipan mula sa Culture and History ni Nick Joaquin:

But even if we can prove that the Moro raiders were really more intent on liberation than on slaves and booty, we must still ask the vital question: Was their idea of liberation “national” — or merely the liberation of themselves as a tribe or a sect? For the revolutionaries of the 1890s, their struggle meant not merely a liberation from something (imperialist tyranny) but the liberation of something (the Filipino “people”), which they envisioned as an entire country composed of diverse elements (pagan, Muslim, Christian, etc.) and yet was a nation, one and indivisible, now and forever…

That is why these revolutionaries have been given a special mark in our flag. And if a special mark is to be given to the Muslim freedom fighters too, it can only be because they, too, fought for similarly large vision or intention: a community transcending tribal or religious differences; a nation composed not only of their own tribes but also those poor enslaved Visayans, Tagalogs, etc.