Kasi naman

Narinig ko ‘to kahapon habang sakay sa taxi papuntang Manila. Magaling ang pagkakasulat at bagay na kasama ukelele.

Mula sa website na ito.

Mahal Kita Kasi
by Nicole Hyala

Bangin ka ba? Kasi
Nahuhulog na ako sa’yo, naman kasi
Unggoy ka ba? Kasi
Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi
Pustiso ka ba? Kasi
You know I can’t smile without you

Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko
Kasi naman kasi
Mahal kita

Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Papupulis kita, kasi
Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi
Kuto ka ba? Kasi
Palagi ka sa ulo ko
Naman kasi

Apoy ka ba? Kasi
Alab-alab I love you
Magsalbabida ka nga
Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
Kasi naman kasi
Mahal kita

Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Kamukha mo si Papa P, Papa P (bingo)
P Papa P, Papa P
P Papa P, Papa P (bingo)

Exam ka ba, kasi
Sasagutin kita agad-agad, naman kasi
Drugs ka ba? Kakaadik ka naman kasi
Kulangot ka ba? You’re really hard to get

Posporo ka ba? E di posporo rin ako
Parang match
Kasi naman kasi
Mahal kita

Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Pare madevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga
Pustiso ka nga, kasi
I really really can’t smile without you.