Alien & alienated

Our educational system has really failed if majority of ‘learned’ Filipinos think this way. What I really can’t understand with the writer is his way of making a choice between English and Filipino (or one of our languages here). I say, choose both. Sa article na nga niya mismo, binanggit niya na may mga bagay na hindi maisasalin sa Ingles at vice-versa. Walang perfect or ideal language. Lahat ay may kanya-kanyang strengths.

Nabasa ko lang ito kanina at hinayaan ko na lang. Siguro gusto niyang kumalat ito at mag-provoke. May mga valid na observations naman siya pero ang ‘di ko lang nagustuhan ay ang paglagay niya ng labis na premium sa Ingles (marahil ito kasi ang pinili niyang intindihin) at pagmaliit sa kakayahan ng wikang Filipino.

Lumalabas sa article niya ang kanyang kamangmangan tungkol sa ating kultura na nagbigay sa atin ng identity. Lumalabas dito ang kakulangan natin sa mga mahuhusay na guro. Lumalabas rin dito ang stagnant idea ng ilang may dunong tungkol sa wika.

Walang problema sa akin kung anumang wika ang gusto mong gamitin pero bago magbigay ng assessment, alamin mo munang maigi at magbasa ng mga likha natin. Marami tayo, hindi lang laganap.

Ang problema, kakaunti o kalimitan hindi masyadong nabibigyang pansin ang mga bagong katha ng ating mga manunulat. Dahil kaya sa mainstream media? Pagpapalaki ng magulang? Resulta ng American re-education? Sana man lang, iangat natin at ipakilala sa mundo ang yaman ng ating mga wika. Malaki ang magagawa ng may dunong sa pagtaguyod nito.

* * *

Natatandaan ko ngayon ang lecture ni Rio Alma. Ipinakita niya ang isang larawan ng Banaue Rice Terraces at tinanong niya kami kung anong tawag namin dito. Siempre, confident kaming sumagot: “BANAUE RICE TERRACES.”

May kasunod siyang tanong: Sa ating wika, ano ang tawag natin dito?

Wala kaming maisagot at dito nagmula ang kanyang lecture tungkol sa “Banaue Rice Terraces Syndrome”. Sa natatandaan ko, ito raw ang problema ng karamihang sa mga Filipino ngayonna kailangan tayong mag-isip sa point-of-view or standards ng wikang Ingles. We can’t come up with our own word for something that is truly ours. Wala naman rin kasing nagsabi sa akin nung nasa elementary pa ako kung ano talaga ang tawag sa mga iyon.

Ipinakilala sa amin ang salitang “payyó” ay ang hagdan-hagdang palayan sa Cordillera ng mga Ifugao. Páyew para sa mga taga-Benguet. Dito nagmula ang pangalan ng mga Filipino na naninirahan sa highlands tulad ng mga Apayao. Ang tawag nila sa mga terraces ay “payáw”.

Sa salita pa lamang, doon nagiging buhay sa isipan natin ang kapwa nating Pinoy. Language is a repository of memory. Kailangan lang magsipag at mag-demand tayo ng mga panitikan mula sa ating mga kababayan. Marami tayong material ngunit hindi lang ito readily available or marketed well.